Rants
Archived Posts from this Category
Fri 9 Nov 2007
Posted by marius under Ramblings , Rants[5] Comments

At last, lumipat na rin kami.
On November 1, 2007 6:15 AM just before sunrise me, maan and yanapot entered our new home.
Iba pala talaga ang feeling. I mean we’ve moved to so many homes on different continents but never have we felt so fulfilled on one single move. Iba talaga nga pag sa’yo na yong bahay.
Although, technically we don’t own the house just yet dahil me 30-yr utang kami hehehe.
It’s already the 9th pero marami pa rin kaming mga kahon, utay-utay (unti-unti sa tagalog) binubuksan namin at nilalagay sa mga dapat kalagyanan. On top of that bili kami ng bili, walang katapusang bili. Me utang na nga kami sa bahay baon pa kami sa utang sa credit card sa kakabili ng mga essentials.
Dati rati nung nag-re-rent kami fully furnished, so kumbaga yong renta lang prinoproblema namin, this time around ang laki na nga ng perang nilabas sa closing malaki pa rin still pag lumipat ka na.
But then again, you get the fulfillment that every home-owner feels. Lalo na kung yong bahay na kinuha mo e yong bang ideal home mo talaga.
Maliit ang bahay na binili namin by Texas standards, I mean most pinoy folks who came to Shadow Creek Ranch almost always bought two-story houses with very big yards. Us it’s a different story.
Who needs a giant house kung tat-tatlo lang kami?
Who needs a big yard kung pro-problemahin mo namang mag-garden?
Tama na ang single story sa min madali pang linisan hehehe.
One thing though, nagawa ko na rin yong matagal ko ng pangarap ng home theater. Bumili kami ng projector at cineiling mount ko, tapos bumil kami ng speakers at receivers at pinalibut ko sa living room. Nung ngang nanood ng My Best Friend’s wedding si Maan parang maiiyak daw sya e para daw sya nasa sinehan, tapos nung nanood kami ng Transformers ang ganda ng tunog ng speakers lalo na yong subs dahil pag lumalapit si yanapot tumatayo yong buhok nya sa ulo hehehe.
Anyhow, tama na muna ramblings ko, wala lang akong makausap at makakwentuhan kaya dito na lang ako nagyayabang, eto hirap sa tate di tulad sa pinas maraming barkada maraming kainuman, maraming kakwentuhan.
Hanggang sa muli.
Start Slide Show with PicLens Lite
Mon 6 Aug 2007
Posted by marius under Ramblings , RantsNo Comments
It all started when Maan posted her resume on the job boards. Almost every other day she’ll get a call from nursing head hunters offering jobs at some far-flung hospital; obviously, being courteous and mabait Maan would entertain them and answer the typical Q&A; pero at the end of each conversation she’d remind them what she had stated on her online job profile, that she wants to get a job sa may Texas Medical Center area sa Houston.
But one particular head hunter agency(All-About-Staffing ata pangalan), the one representating some hospital called HCA have been calling her for quite some time now. It even came to a point na borderline stalking na dahil sa frequency ng mga tawag, we had no choice but to screen calls just to avoid them.
I’ve been prodding Maan to just tell them to bugger off pro her argument was: they should know when to stop, specially if she intentionally don’t return calls. It’s not that Maan is being rude, it’s just that she has been warned about HCA and on top of that she has read numerous horror stories from the Nursing boards about how bad it is/was working for HCA facilities.
The funny part was that they’ll leave voice messages threatening Maan that her not returning their calls might affect her job application with them. I mean, imagine the nerve of these guys; sila tong mga may kailangan, sila pa tong mga galit. Plus, she never applied in the first place, sila tong nag-initiate, it was them who searched the job boards and tried to push their luck. Nakakatawa talaga sila hehehe.
Anyway, so nakahalata sila na di nya sinasagot yong mobile nya, tapos ako naman di ko sinasagot yong landline (kami lang kasi ni Yanapot naiiwan sa bahay) so they tried something different. They called her mobile phone but hid the number, so it appeared na it was an international call. Ako naman akala ko yong isang ospital na inaantay nya yong tawag, so ginising ko naman si Maan. Lo and behold, yong palang bombay na head hunter agent.
Nagagalit hehehe, bakit daw iniiwasan sila, nasasayang daw yong oras nila. Hahahaha. Nasasayang pala oras nila e bat sila tawag ng tawag hahaha. Di ko mapigilan tumawa, pero si Maan nde natuwa, ako tuloy napagalitan (nakalimutan ko na bawal na bawal kulitin ang nurse na matutulog na lalo na’t galing sa pag duty).
Hindi pa nagtatapos dyan, this afternoon tumawag uli yong manager naman. Sinasabi na pangit daw yong location na gustong pag-applyan ni Maan, dapat daw dun sa mga ospital nila. Me mga sign-on bonus pa raw. Na-te-tempt nga akong sagutin yong tawag kanina pero nag-pigil na lang ako, tumawa na lang ako malakas hehehehe. Si yana tumawa rin siguro iniisip nya nababaliw na Daddy ko hehehe.
Naalala ko nung panahon ng DotCom boom ganyan din kami dati, pinag-aagawan. But sadly I can only reminisce. Masaya kami kasi pareho na namin nagagawa yong matagal na naming gustong gamin, ako me business sa bahay, si Maan mag trabaho na talaga as a nurse. Sabi ko nga dati, kung di sya mag-nu-nurse sayang lang yong pagsusunog nya ng kilay. Buti na lang at napadpad kami dito sa tate, at nakapag-nurse din sya.
Thu 4 Jan 2007
Posted by marius under Ramblings , RantsNo Comments
Time Management is a proverbial concept of keeping things in order, making sure that time is allocated accordingly. The trouble is most often than not running a rigid schedule dehumanizes us.
Simula nung nag-balik nursing si maan lagi nyang complain kinakapos sya sa oras sa trabaho, na kesyo problema nya e time-management, na kesyo wala syang oras para magpahinga at mag-break. Sabi ko hindi pwede yan, kahit gaano ka-komplikado ang isang case ng isang pasyente kelangan nyang magpa-hinga. Anyhow lagi nyang pinipilit na wala daw syang time management. So one day sinabi ko sa kanya i-itemize nya lahat ng tasks nya at lagyan nya ng ETA. Tapos at the end of each task i-log nya kung gano nya katagal ginawa. Tapos compare nya sa ETA nya. And guess what? Di nya nagawa, bakit kanyo? pano ba naman, bago nya matapos yong mga naka-listang task, me bagong task na naman na susulpot, so anong choice nya? di gawin nya yong immediate task tapos nag-dadasal na lang sya na sana magkaroon sya ng extrang oras na tapusin yong naka -pila nya later on. Kaya hayon, matatapos na shift nya di pa rin nya nagagawa lahat ng kelangan nyang gawin. And being a model girl scout, she feels bad, ba’t di daw nya nagagawa lahat ng kelangang gawin, e sabi ko nga, come on dahling di mo na kasalanan yon, dapat kung sino man ang task master nyo dapat ayusin nya task assingments nyo, wala kang problema sa time management yong manager o or visor ang meron.
Anyhow this is but one example of how our society has become, too much emphasis has been placed on multi-tasking, maximizing resources and being “efficient”. But at to what expense? we’ve had acquintances who are nurses too, who’d have all the material wealth they could get (big ass houses, fancy cars, bling-bling and the likes) but are living dull uninteresting lives, pano imbes na mag-pahinga sa day off ayon naglalagare sa ibang ospital, kaya most of the time empty yong mga malalaking bahay nila tapos yong mga anak nila catathonic o kaya rebellious.
Actually, I too am guilty of being a multi-tasking freak, but it comes with the territory (nasa computer industry po ako) which is a major contention between me and maan. But I’m trying my best to slow down, good thing I’m working from home, I have my daughter yana around. She always reminds me to take it easy, maglaru muna daw kami, although minsan napapadami ang laru at nakakalimutan ko obligasyon ko sa mga cliente namin.
I am no expert when it comes to time management nor do I claim to master how to make ones life better but I do know this, oftentimes in our haste to make things better for the ones we love we end up neglecting them thinking its for their own good (how twisted is that). And in our quest to be better and bigger we no longer appreciate what is small and simple. We have to slowdown for own sake and the ones we love.
Tumatanda na nga talaga ako, 10 yrs ago the mere thought of slowing down sent chills down my spine, back then ang dami kong gustong gawin, guess getting older, and having a kid puts things into perspective. I’m trying my best to slow down and to start really appreciating what I have and have not.
O sya pano, hanggang sa muli.
- Marius
Tue 2 Jan 2007
Posted by marius under Ramblings , RantsNo Comments
I’ve been following the case of a certain Nicole (a pinay rape victim), who was ‘allegedly’ raped by US army man named Smith (Mr. Smith ng the Matrix anyone?) dun sa Subic, Zambales.
The latest is this whole debacle about why the Pinoy government has given custody of Smith (the defendant) over to the US Embassy. I hear folks moaning and complaining about lost national pride, na keyso we as a people have let other countries particularly the United States of America disrespect our constitution and sovereignty, come on people what a bunch of crap.
Among all the asians in the world tayo ang number one fans ng America. Anything american we breath, smell, eat and sleep with. Every chance we get we try to sneak into the US of A, tapos you hear this malarky. Oh please, gumising nga kayo, smell the kampopot. HEADLINE PO: We’ve lost our national pride a long time ago so stop using that excuse to justify clogging up ayala ave again. The real filipinos need to work, need to make the engine running for the whole country so that freeloaders like ‘em conio rallyist can use their fancy mobile phones to conj our more rumors.
Ang pinoy nga naman talaga. Sala sa lamig, sala sa init. For once, stop denouncing the US of A, we brought it upon ourselves why we have this tragic story of Nicole’s (bat kasi makikipag-date pa sa puti in the first place, tapos sa bar pa, tapos expect nyang walang sex, hello nanonood ba sya ng MTV, di ba sya nagbabasa ng Abante) pero malay nga natin, siguro meron tayong hindi alam, the less we know the more we jump to conclusions (which I just did but again I am very opinionated).
Masakit yong nangyari ke Nicole pero we have to put things into perspective, we simply cannot afford to loose America as an ally, we made a blunder already when we abruptly left Iraq dahil me mga taong nagra-rally para sa isang makulit na OFW na nagpumilit magtrabaho sa Iraq alam na ngang me giyera tapos nung nakidnap nagmakaawang humingi ng tulong. Kung matino ba naman sya di dapat pinangatawanan nya desisyon nya hindi yong nandamay pa sya ng ibang tao, the whole country was put on the spot in fact.
Sabhin nyo na lahat ng gusto nyong sabhin pero at the end of the day wala tayong capacity para kumalas sa America lalo nat ang bulto ng mga remittances ng dolyares e nanggagaling dito. Dapat nga mag-referendum na lang tayo gawin na lang tayong colony/probinsya ng US e parang Puerto Rico para ma-ubos na yang mga CPP / NPA at Abu Sayyaf na mga yan, mas madali pa tayong makakapag-bakasyon sa US. Tapos mawawala na yong mga problema natin sa pulitika. Tignan nyo, sa sobrang galing ng mga kano nagawa nilang bayani si Jose Rizal (nakalimutan natin na si Jose Rizal ay ayaw na ayaw na mag-sarili ang Pinas, gusto nyang maging probinsya tayo ng Spain) practical po sya kasi matalino hindi illusionado.
Anyhow, siguro kelangang bumalik tayo sa ating kasaysayan at bulatlatin natin ng maigi bago tayo mag-sabi at gumawa ng di nakakatulong sa bansa. Tama na rally- rally kasi wala namang nagagawang mabuti.
O sya hanggang sa muli.
Marius
PS. Yes I am pro-Gloria, I did not vote for Her kasi wala ako sa pinas nung election pero although mga kamag-anak namin ang mga Lacson. Anyhow magpalabas kayo ng viable realistic alternative sasama sa inyo ang tao, pero kung papaututan nyo sila ng artista o rehashed trapo ke Gloria na lang po
Mon 1 Jan 2007
Posted by marius under Ramblings , RantsNo Comments
Kakatapos lang ng New Year Party kina Carol at Doc, gising pa kami ngayon (3:24 AM EST). Nag-upload kami ng mga pictures (checkout our site). Kakatuwa kasi nag-salu-salo muli ang pamilya JMH (mga pamilya na ang mga babae e nars at pare-parehong natratrabaho sa University of Miami – Jackson Memoral Hospital and Medical Center aka JMH).
Nagdala kami ng Menudo at Macarons. Luto ni marius yong menudo, binake ni Maan yong macarons, si yana yong nangulit at as usual nagpa-cute sa kusina
Kasama namin yong mga pinsan namin (si adam at si helen) binababysit namin sila dahil wala si Auntie Precy.
Iba talaga pag party e mga magkakakilala, natural na natural na nag-e-enjoy as opposed to parti-partihan ng mga acquitances lang me awkwardness na kasama palagi.
Me magic mic sina Doc (courtesy of Laarni na sa kinasamang palad e on-duty), as usual humataw sina Pavel at si Leonette, kaya tuloy na-alangan kaming kumanta, although kinapalan na rin lang namin mga mukha namin dahil parang ang sarap mag-sing-song.
Marami handa kaya nakapag-take home pa kami (at least me ulam for two days or more).
Marami rin picturan, si Marius naging unofficial photographer kuha ng kuha kahit nde sinasabihan parang paparazzi kuno.
Nagpaputok si Doc kasi mga kapit bahay nya masyadong tahimik, kaya sa buong block kaming mga pinoy lamang ang ma-i-ingay, so what sabi namin, Diyos ko new year na new year naka-kukot lang sila sa mga kwarto na di-AC.
As for Yana, ayon naki-party din, although natakot sya sa mga paputok, siguro di nya naalala na nung pinagbubuntis sya ng Mami nya laging me fireworks display sa may Royal Botanical Garden na across the ilog lang sa may bahay namin sa London nun. Masasanay din siguro sya pag nag tagal. Pero mind you, nakikipag-kulitan na sya ke auntie Helen nya sa turotot.
Overall, this has been a good day, kahit medyo stressed kami sa pag-aalaga ng mga bata-batuta at problema sa trabaho (oo pati si Marius namro-mroblema din sa trabaho). Sana nga for the entire year ng 2007 e maging matiwasay tayong lahat, walang mga sakit sakitan, mga kadramahan at kung anu-anong chuvah ika na ni Maan. As usual sana swertehen tayong lahat lalo na kami, sana tumama kami ng lotto although di namin lam kung papano mangyayari yon dahil di naman kami bumibili ng ticket hehehe…
Anyhow, sana kayo rin nag-enjoy ng New Year, sana buo pa rin din ang inyong mga daliri, sana kung ano man minimithi nyo e matupad na ngayong taon ng 2007.
O sya, hanggang sa muli…
Tue 19 Dec 2006
Posted by marius under Ramblings , RantsNo Comments
Most of our friends and family (yong mga me internet opkorps) have been blogging for quite sometime. We’ve resisted blogging (specially si Marius) arguing that a picture can tell a story much vividly than any lengthly text, well, perhaps on most cases. Pero how can you can photograph your inner thoughts and ramblings you’d like to expose, mahirap di ba?! Even a magician would be hard pressed. Anyhow this is our first post, WE kasi we share the same friendster account (me, maan and yana) our posts will be a mix of everything from nursing to software engineering, from eating to cooking, from politics to showbiz, from baby food to baby apparel, from gambling to religion, this is our spot, this is our blog. O pano hanggang sa muli.
|
|