![]() |
So what’s new with us?
Ayon nandito na si nanay, dumating sya nung last week ng July. Sa wakas nakakain na rin ng husto ang buntis, di daw nya trip luto ko (bohoho). Nag-pakabit na kami ng TFC at GMA, dati kasi sa Abs-CBN now at Youtube kami nanood kaso naisip namin masyadong cumbersome ke nanay kung mag-cl-click pa sya ng mouse e buti sana kung tech savvy sya hehehe. Kakatuwa manood, yong sa GMA parang walang nagbago yong sa ABS-CBN parang ang daming bago. Para bang napag-iwanan ng panahon ang GMA ewan ko ba, iisa lang pinapanood nina nanay yong Dyesabel ba yon tapos non lipat agad sa ABS-CBN. Anyhow, at least me choice kami di tulad dati pagnag-buffer na yong video stream nabibitin sa panood. Si yana mukhang wowowee na uli hehehe. Kasi nung nasa london kami yon palagi naming pinapanood sa laptop. Ano pa ba, ayon si Maan suka pa rin ng suka, pero at least mga isang buwan pa mattapos na rin 1st trimester sana matapos na rin pag-su-suka nya at panghihilo. Ang dami naming di magawa, ni mamasyal bihira dahil wala sya sa mood. Kung sabagay napaka-init din ng panahon kaya pangit din mamasyal tamang-tama by 2nd trimester nya tag-lamig na uli masarap maglakad kahit dito lang sa Shadow Creek Ranch. Ako naman, eto nabuo ko na yong photostudio ko, ipon na lang uli pambili ng dagdag na gear. Grabe na-addict na talaga ako sa photography, di ko akalaing aabot ako sa ganito. Pero ang sarap kasing manguha. Anyhow, eto na muna updates, for latest pics pasyalan nyo na lang gallery namin (http://gallery.thelardizabals.com) Hanggang sa muli! |
August 2008
Monthly Archive
Sat 9 Aug 2008
