
Today was one of the best Thanksgiving celebrations we’ve had.
We started the day by attending the HEB sponsored Houston Thanksgiving Parade. I must say despite the very cold weather, we really enjoyed the floats, the bands and the clowns. We hope to come again next year. Too bad Maan couldn’t make it galing kasi ng duty pagod, anyhow checkout the photos.
After that, we went straight back home to prepare for the feast. It was our first Thanksgiving in our very own house kaya excited lahat ng mga tao. On top of that we had Marc and Theresa visiting and then Nanay finally was with us again (natupad na rin pangarap ni Maan na dalhin si Nanay sa States).
Checkout our photos.
Start Slide Show with PicLens Lite

At last, lumipat na rin kami.
On November 1, 2007 6:15 AM just before sunrise me, maan and yanapot entered our new home.
Iba pala talaga ang feeling. I mean we’ve moved to so many homes on different continents but never have we felt so fulfilled on one single move. Iba talaga nga pag sa’yo na yong bahay.
Although, technically we don’t own the house just yet dahil me 30-yr utang kami hehehe.
It’s already the 9th pero marami pa rin kaming mga kahon, utay-utay (unti-unti sa tagalog) binubuksan namin at nilalagay sa mga dapat kalagyanan. On top of that bili kami ng bili, walang katapusang bili. Me utang na nga kami sa bahay baon pa kami sa utang sa credit card sa kakabili ng mga essentials.
Dati rati nung nag-re-rent kami fully furnished, so kumbaga yong renta lang prinoproblema namin, this time around ang laki na nga ng perang nilabas sa closing malaki pa rin still pag lumipat ka na.
But then again, you get the fulfillment that every home-owner feels. Lalo na kung yong bahay na kinuha mo e yong bang ideal home mo talaga.
Maliit ang bahay na binili namin by Texas standards, I mean most pinoy folks who came to Shadow Creek Ranch almost always bought two-story houses with very big yards. Us it’s a different story.
Who needs a giant house kung tat-tatlo lang kami?
Who needs a big yard kung pro-problemahin mo namang mag-garden?
Tama na ang single story sa min madali pang linisan hehehe.
One thing though, nagawa ko na rin yong matagal ko ng pangarap ng home theater. Bumili kami ng projector at cineiling mount ko, tapos bumil kami ng speakers at receivers at pinalibut ko sa living room. Nung ngang nanood ng My Best Friend’s wedding si Maan parang maiiyak daw sya e para daw sya nasa sinehan, tapos nung nanood kami ng Transformers ang ganda ng tunog ng speakers lalo na yong subs dahil pag lumalapit si yanapot tumatayo yong buhok nya sa ulo hehehe.
Anyhow, tama na muna ramblings ko, wala lang akong makausap at makakwentuhan kaya dito na lang ako nagyayabang, eto hirap sa tate di tulad sa pinas maraming barkada maraming kainuman, maraming kakwentuhan.
Hanggang sa muli.
Start Slide Show with PicLens Lite