March 2007


Yup, anim na taon na po kaming kasal, grabe no parang kelan lang…

Ayon, lumabas kaming tatlo, pumunta dun sa “The Original Crab House” sa kendall at umorder ng isang dozenang steamed blue crabs, pasta at frenchies (fries po para sa mga di nakaka-alam).

Ang sarap ng crab sobra, wala ng kanin-kanin, basta latak na lang kaagad sa alimango sabay nguya ng frenchie, nasira nga diet e (required po kasi ako ng aming family physician to take off at least six pounds by the 2nd week of April) pero well worth it naman, dinamihan ko na lang reps dun sa morning exercises ko and tinagalan ko na lang yong sa stationary jogging.

The following day naisip namin di pa kami nakakapag-road trip ever since bumalik kami ng tate, so initially nagbalak kaming mag-Disneyworld kaso nag-dalawang isip kami dahil baka di pa ma-appreciate ni Yana (also medyo me kamahalan ang Annual Pass, gusto namin Annual pass dahil once naka-pasok kami sa Disney malamang babablik at babalik kami).

So naisip ko bakit di na lang mag-Sanibel tutal di pa namin gaanong napapasyal ang West side ng Florida. At hayun off we went to Sanibel. And I must say this is one of the best instant decisions we’ve ever made.

Ang sarap mag-maneho, ang ganda ng panahon, scenic yong route at mapapalayo kami sa mga kumag na driver ng Miami (oo taga-Miami kami pero hate na hate namin mga driver dito dahil they remind us of Manila, actually mas gusto pa namin mga driver sa Manila dahil miski papano me modo bwahahaha). Anyway balik sa kwento, ayon since di namin kabisado ang lugar umasa kami sa GPS/Laptop at buti na lang updated yong mapa so madali naming nahanap yong Isla at naka-hanap na rin ng masarap na tsibog.

Ang ganda ng Sanibel, di namin maiwasang mag-reminise nung nasa Curacao kami, kasi ibang-iba ang lifestyle compared sa Miami, mabagal, tahimik at malumanay. Tapos we got a chance to drive by Captiva Island, yong isla ng mga mayayaman ng US, sobrang ganda parang paraiso ang lalaki ng mansion tapos tabing dagat na sobra ang pagka-azul.

Isang araw lang kami kasi nga road trip kahit na 3 hrs one-way it was well worth it, iba talaga pag-SUV gamit mo mas comportable, dati kasi sedan gamit namin kahit na full-size parang cramped ba, this time around ang daming bitbit maluwag pa rin, although we had to do a couple of stops dahil nababagot ang munti naming prinsesa, pero mukhang nag-enjoy ang maldita hehehe.

Definitely mag-ro-road trip uli kami, lalo na dadating sina Uncle Unggay at Auntie Connie, mag-ke-key west naman kami, sana by that time magka-extra akong pera para makabili ng wide-angle lense, sarap manguha e lalo na dun sa Seven Mile bridge.

O pano, hanggang dini na muna, hanggang sa muli,

Marius

It’s been awhile since we last went to the beach, sobrang hectic schedule namin heheheh.

Kaya nung sunday talagang inagahan namin umalis ng bahay, dahil alam naming pahirapan ang parking sa South Beach.

Marami kasi laging tourista at nagsimula na ang spring break.

Dumating kami mga tenish di pa gaanong mainit, kakatuwa kasi kami lang ata me payong, the rest babad sa araw, ganun na ata mga puti takaw sa init.

As usual dahil nga spring break ayon nagkalat mga skimpy bikinis tapos mangilang ilang topless sayang nga e wala pa akong Telephoto lens na pang-sneaky (pinag-iipunan ko na, para next visit madali ng manguha hehehehe).

Si yana masaya kasi nakalabas ng bahay, although di pa rin nya ma-enjoy ang beach, ewan ko ba, nag-mana ata ke maan takot sa tubig hehehe. Anyhow, I promised to myself tuturuan ko syang mag-swimming para pag malaki-laki na sya snorkelling kami tapos pag pwede ng mag-di-dive mag-da-dive na kami para iwan namin si mami nya sa dalapasigan.

Actually, me swimming pool kami na malapit sa townhouse namin pero dahil nga medyo delicates ang skin ng aming unika iha di pa namin muli dinadala dun. Speaking of delicates skin, ayon sa awa ng Diyos gumaling na mga rashes nya, pero sandamakmak namang lotion, gamot at ointment ang prinscribe sa kanya, sabi nga ni maan e ginto ang mga lotion ni yana. Natatakot nga kami pag-umuwi kami ng pinas baka mag-flare up, mabansagan pang sosi-conio si yana, wawa naman. Anyhow, balik sa swimming, pag magaling na ng husto yong rashes nya balak ko turuan kahit basic floating lang si yana para nde sya matakot pag dating sa dagat, sa tingin ko di lang masyadong exposed, tsaka medyo malapig pa rin yong tubig ngayon e, siguro pag summer na talaga.

As for yong visit sa SoBe, sulit na sulit, ang sarap magpahinga, gud idea yong investment namin sa beach chairs and super big umbrella. Si maan nga bumili pa ng bagong tangkini para lang nung sunday hehehe. Kung sabagay kelangan naming lumalabas labas, mahirap yong nakukulong ng bahay, although personally mas prefer kong nasa bahay, ewan ko ba anti-social ako. Pero nung sunday na-relax kami si maan nga e ayaw pang umalis, e sabi ko kelangan na naming umalis dahil 2 hrs lang binayaran ko sa parking meter, baka ma-tow pa yong kotse hehehe.

Next na balak naming pasayalan e yong haulover beach, kasi me nudist colony dun, siguro next na off ni maan hehehe…

O sya pano, hanggang sa muli,

Marius

Start Slide Show with PicLens Lite PicLens

Parang kelan lang nag-swi-swimming kami sa isang resort sa Los Banos tapos naka-tanggap kami ng txt nag-ra-rally na pala yong mga ibang kaibigan namin sa Edsa, tatanggalin na pala si Erap.

Naka-ilang edsa na tayo at naka-ilang eleksyon na natapos pero wala pa ring nagbabago sa situation sa pinas. Ang masakit lalo pa atang lumala. I mean every now and then nakakarinig ako ng mga side comments buti pa nung panahon ni Marcos ganito ganyan lang ngayon said na said lahat. Imagine mo yon mas gugustuhin pa nilang bumalik sa rehimin Marcos, although I have to admit I am half-loyalist ilocano kasi ako at mga lolo at lola ko (sumalangit nawa kaluluwa nila) e mga die hard, marinig ka nilang sinisiraan mo si Apo Lakay yari ka.

Anyhow, ano ba kasi kasi ang problema sa tin? Hindi ako political analyst o kaya sociologist na tulad ni Prof Randy David, pero I’ve seen, heard and experienced enough to somehow get to a conclusion on things. Sadya atang hati ang mga pilipino. Mulat sapul wala pang pagkakataon talagang nagka-isa ang mga pilipino kahit nung Edsa 1 (yup, akala lang ng marami na nagka-isa mga pilipino, pano yon lang nakikita nila sa TV, pero sa probinsya ambivalent mga tao).

Dito nga sa US napaka-daming assusasyon, me assocation para sa probinsyang pinaggalingan mo, tapos me sub-assocation na para sa bayan tapos me sub-committee para sa baranggay tapos sub-sub-sub group para sa purok at distrito. Imagine nyo yon, sa dami ng pilipino dito sa US wala man lang isang unifying organization. Pano pa sa pilipinas.

Me mga nagsasabi dapat daw mag-civil war na lang tayo para ma-settle na mga issue issue natin. Tulad nung nangyari dito sa US at sa mga ibang bansa. Ang problema nga lang sa tin, hindi clear-cut ang distinction ng mga grupo-grupo, kaya hirap i-settle ang mga issue kaya nde rin pwede ang civil war sa tin dahil walang mananaig na panalo. Allegiances shift according to one groups needs.

In conclusion, ibang iba ang sitwasyon sa tin, ang mga pilipino parang mga hunyango magaling mag-blend magaling makisama, we should use that to our advantage. When it comes to the ballot ticket we should not vote according to party affiliation but rather according to the individual’s capabilities and well …popularity. Admit it or not kahit anong galing mong tao kung wala kang karisma at popularidad di ka mananalo.

Controversial as it may seem, sambayanan po ang nagdadala ng isang bansa, bobo man o matalino ang pinuno kung inspirado ang mga taong umangat, aangat ang bansa. Kaya mas maiging manalo ang isang taong me karisma at me abilidad na manghikayat ng tao para gumalaw ng makamit ang ninanais na kaunlaran ng inang bansa. Kesa sa isang pinuno na sobrang talino nga pero wala namang ka-amor-amor at ka-latoy-latoy sa pang-e-eng-ganyo ng tao para mag-sumikap.

Lastly, walang po kayong karapatan mag-complain kung di naman po kayo bumoboto at boboto. At kung wala naman po kayong balak na bumoto ng wasto wag na po kayong tumuloy dahil isa kayo sa mga dahilan kung bakit lalo pang maghihirap ang buhay nyo at buhay ng mga ibang tao.

Peace out,

Marius

Matagal tagal na rin bago kami nakapag-blog uli, na-busy, kaya heto pipiliting mag-recap sa mga bagay-bagay na miss nyo hehehe…

Una-unang, hayan naidaos din yong 1st Debut este 1st B-day party ni Yana. Marami pagkain, me magician at clown, me cotton candy machine at hotdog stand. Tapos the usual pinoy fiesta handa, me lechon at pansit, chopsuey at kung anu-ano pa. Sayang nga lang dahil marami di naka-punta kaya talagang ang dami naming pinamigay na pagkain.

Nung kinagabihan tinuloy namin yong kasayahan sa bahay, nagdala ng magic mic sina Edison tapos nag-tequilla ang mga babae (marami sa kanila 1st timers pa ata). Sa mga di nakaka-alam sa house hold po namin simula pa nung sa curacao (alam ng mga kumpare namin) tequilla na pinaghaharap namin sa mga bisita. E medyo matagal-tagal na rin di nasasayaran ni Senior Cuervo mga mga lalamunan kaya hayon bumili kami ng 3.5 liter na tequilla.

But alas, di kinaya ng mga girls, nakalahati yong bote akala ko pa naman mapapa-ubos ko sa kanila pero iba kasi dito sa US unlike sa curacao at Pinas, kelangang mag-maneho ng mga tao para umuwi kaya di sila masyado nalasheng, sabi nga ni Carol wa epek daw ang tequilla sa kanya kina-umagahan.

Anyhow, sa susunod na handaan, sisiguradhin na namin na me malalasing at least sa mga kumpare at kumare naming nasa compound ng Century park (yan po sub-division namin dini sa Miami).

Tapos nung handa ni Yana hayun na-busy kami ng husto.

Me mga delivery uli kami sa Dublin, Ireland at Oxford, England kaya sunod-sunod uli puyat ko.

Tapos si Maan naman as usual toxic sa hospital.

Tapos heto pa, nag-flare-up yong rash ni yana, actually ganito kasi yon, a couple of days bago yong big b-day party ni Yana tinakbo namin sya sa ER. Nagka-hives ang lola mo. Sinabihan kasi kami ng Pediatrician namin na kulang sa timbang si Yana kelangan daw pakainin namin ng itlog at pa-inumin ng whole milk. (For the record malakas kumain ang anak namin, mana sa aming dalawa hahahaha, kaya nagtaka kami nung sinabihin kulang sa timbang) anyhow balik sa kwento, so the following day kumain kami sa McDo binigyan namin ng itlog, kinagabihan iyak sya ng iyak, akala namin nag-dra-drama lang kaya dedma namin ni maan, ayon pala namamantal na si Yana kaya hayon alas-dos ng umaga tinakbo namin sa ER.

Ang tagal namin nun sa ER halos 6 hrs, pero walang conclusive na result. So ang ginawa nila nagprescribe sila ng mga gamot na ininum at pampahid sa rashes nya. Sa awa ng Diyos di bumalik yong hives although for two days more me mga pulang spots sa binti at braso nya. Hanggang ngayon di pa namin lam kung ano talaga nangyari at nagka-hives sya. For now iiwas muna ka misa McDo at kung di man maiwasan di muna namin sya papakinin ng itlog ng McDo. Kasi tuwing nag-chi-chinesse resto kami umuorder kami ng special fried rice me itlog na kasama yon pinapakain namin si yana. Sabi nga ng mga waiter di daw ba namin pinapakain si yana sa umaga kasi ang lakas daw kumain (o ayan Dra ha testimony, malakas talagang kumain si yana).

Yong nagdagdag lang yong whole milk, pero impossibleng yon dahil kumakain na ng cheese si yana e, e gawa sa whole milk din yon.

Anyhow, matapos yong hives episode eto namang rashes nya sa balikat, naka-ilang palit na kami ng topical cream walang nagbabago. Umabot na nga kami sa puntong nag-aaway ni maan dahil ako nakikita ko nag-dr-dry up yong rash akala ko gumagaling, si maan naman sinasabi lumalaki ng circumference. So naghanap kami ng pedia-dermatologist e kaso yong doktor na recommenda ng pedia namin e available pa sa May. Me nag-suggest sa min takbo na lang namin si yana sa ER uli, kumbaga mag-sneaky na lang kasi meron at meron namang derma na pang bata dun e, kaya hayon takbo uli sa Miami Childrens.

Sure enough, nakita nung doktor ang nakakatuwa pa yong doktor na originally naming tinawagan na di daw available until May ang syang tumingin din ke Yana. Tahimik na lang kami ni Maan e, deep inside tuwang tuwa kami naka-sneaky kami sa mahabang pila hehehehe.

So far etong last na priniscribe na gamot na topical e gumagana, hopefully mag-tuloy tuloy na, although nababalatan pa rin yong rashes dahil kinakamot ni Yana.

Babalikan namin yong pedia-derma sa huwebes para follow-up, hopefully by that time completely healed na yong rashes nya.

O pano, napahaba na kwento namin, salamat sa pag-basa.

Hanggang sa muli,

Marius at Marian