Tue 23 Jan 2007
Finally na-deliver din namin ang Ganador aka Self Service Betting Terminal. After months of struggling, hardishs, low points like the time na nasira yong mga trust trust namin sa mga kakosa, eto sa wakas na deploy na namin. I mean it’s not completely done yet me mga konting kinks pa rin but overall gumagana na sya at tumatanggap na ng pusta. For the unedcuated po, gambling is legal sa majority ng mga European nations lalo na sa UK kung saan kami recently nag deploy.
And then we got feedback form our cashier application clients elated sila dahil tumaktabo yong sistema nila, so miski papano nakaka-uplift ng spirits.
Masaya ako dahil hindi napunta sa wala ang mga pagpupuyat namin at least masasbi ko ke maan na di naman sayang yong mga oras na naburo sya sa bahay (gusto kasi nyang mag-mall e kaso di pa sya gaanong marunong magmaneho so inaantay nya ako e busy lolo mo, ako kasi drayber nila) sabi ko naman sa kanya pag nag-succeed business namin babalik din yong pagpapasensya nya hehehe (mas maraming pang shopping).
Matatawa kayo kasi mga sistema namin gawa sa DotNet Framework 1.1 iisipin nyo si Marius MCSD pero low tech pa rin, e ako naman practical akong tao, mas maliit ang foot print ng 1.1 at mas wide scale ang installation tapos karamihan ng mga kiosk devices yong mga existing com wrappes nila tested na sa 1.1
pero sooner or later kekelanganin talaga naming mag-upgrade sa 2.0 lalo nat na-release na ang Framework 3.0 alangan namang kulang pa duamting ang 4.0 saka kami mag-sisimulang mag-migrate ng code.
Kung yong mga vendors ba naman tumutulong sa migration, originally POS.Net 1.1 gagamitin namin para sa mga peripheral devices kaso wala kang maasahang tulong sa mga manufacturers. Tapos me mga vendors na VB pa rin nga gamit ng iba e so no choice ka talaga.
Which leads me to conclude na hindi porket bago at hitech e kelangan ng mag-adapt, this also applies to things that are non-IT related, ika nga ni Kaloy na dating kong boss na texan, “…if it ain’t broken, why fix da gad dang thing, y’all otta find something better to do …”
Anyhow pag nagkabudget ng extra balak kong maghire ng dagdag na tao, kelangang bawasan ko na developer role ko at mag-focus sa product development, so for those who are interested give me a haller, medyo unconventional setup namin dahil wala kaming opisina per se, ni di ko nga lam itsura ng mga tao ko e, I just know them via chat our work environment e ROWE based kung di mo lam yon wag ka ng mag-apply bwahahaha.
O sya, hanggang sa muli,
Marius