Sun 14 Jan 2007
Ang bilis talag ang panahon, parang kelan lang nung nasa London kami nag-hahanda sa pagdating ni yana. Nag-de-debate kung home birth ba o hospital, kung water ba o normal. Tapos plano plano na walang CS, walang epidural, pero guess what walang nasunod sa mga plano namin. In the end we had to accept what was needed all we wanted was to get it over with, gusto na naming mayakap ang anak namin please.
Tapos eto ilang linggo na lang 1st birthday na ni yana ang bilis talaga ng panahon di mo namamlayan lumalaki na anak mo at ilang blink pa magiging dalaga na sya me mga umaligid-aligid, the mere thought na me manliligaw sa kanya kiniikilabutan ako, now I know kung ano pakiramdam nung mga tatay ng mga babaeng nililigawan ko dati, damn ang hirap nga talaga. Imagine mag-o-one year pa lang si yana na-s-stress na ako what more kung umabot na talaga yong panahon na yon hay.
I dont want to think so much, basta I live with the moment, sabi nila wag daw kargahin ng kargahin wag daw yakapin ng yakapin, sabi ko sa kanila dapat nga kargahin ng kargahin, yakapin ng yakapin dahil pag tanda nila wala ka ng pagkakataon gawin yon, magsisis ka lang.
Anyhow yon lang muna, nagpapa-antok lang ako eto inaantok na rin salamat sa Diyos.
O pano, hanggang sa muli
- Marius